| |
|
|
|
By: Romeo B.
Macale, B.S.E., LL.B., M.Ed.
|
| |
aibigan,
itong tanong ang pinakamatamis pakinggan sa iyo. Alam mo, natural po sa bawat isa sa atin sa
ibabaw ng mundong ito ang umalis sa huling hantungan. Subalit, bago dumating ang huling
sandali ng kamatayan, alam mo ba kung saan ka paroroon?
Kaibigan, sabi po ng Diyos, wala kahit isa sa atin ang hindi
makasalanan. "Ayon sa nakasulat, Walang
matuwid, wala kahit isa," Roma 3:10. Lahat po tayo
ay nagkasala. Ayon po sa Banal na Aklat, "Sapagkat lahat ay nagkasala, at nawalan ng kaluwalhatian ng
Diyos," Roma 3:23. Kaya, maliwanag po na walang
matuwid sa atin. Matanda o bata, mayaman o dukha, maganda o pangit, anumang kulay ang ating balat,
anumang uri ang ating relihiyon o pananalig, lahat po tayo ay makasalanan. Dahil po rito, ang
masaklap na ating matatanggap sa Panginoong Diyos ay ang walang hanggang kaparusahan sa
Impiyerno. "Sapagkat ang kabayaran ng
kasalanan ay kamatayan, ngunit ang regalo ng Diyos ay buhay na walang hanggan sa pamamagitan kay
Cristo Jesus na ating Panginoon," Roma 6:23. Mahal
kong kaibigan, kahit mayroong nakatakdang parusa sa bawat isa sa atin, ipinaghanda po ng Panginoong
Kristo Jesus ang kaloob na buhay na walang hanggan. Kung nais mong tanggapin itong kaloob, simple
lang ang gagawin mo. Gawin niyo po ang
nauunang tatlong puntos na sumusunod:
- Tanggapin po ninyo
na ikaw ay isang makasalanan. "Sapagkat lahat
ay nagkasala, at nawalan ng kaluwalhatian ng Diyos, " Roma 3:23.
- Magsisi po kayo ng
lahat niyong kasalanan. "Sinasabi
ko sa iyo, Hindi: subalit, maliban lang kung kayo'y magsisi, kayong lahat din ay
mamamatay," Lukas 13:3, 5.
-
Manampalataya po
kayo kay Panginoong Cristo Jesus, bilang Siya lamang ang inyong personal na Panginoon at
Tagapagligtas nang iyong buhay. "At sila ay
nagsabi, manalig kay Panginoong Cristo Jesus, at ikaw ay maliligtas, at ang iyong
sambahayan," Gawa 16:31. Kung gusto po
niyo maligtas ngayon mula sa kasalanan niyo, manampalataya po kayo kay
Panginoong Cristo
Jesus at tanggapin po ninyo Siya
bilang personal at tanging Tagapagligtas. Kung nanalig kayo sa Kanya, maaari po
kayong manalangin upang magpasamat sa kaligtasan na ibinigay ni Panginoong Cristo
Jesus tulad ng mga salita sa ilalim.
"Panginoong Cristo Jesus,
tinatanggap ko po na ako'y isang makasalanan. Karapat-dapat lang po, na ako
ay tumanggap ng inihanda Niyong parusang kamatayan na walang hanggan sa
Impiyerno. Subalit inialay niyo po ang inyong buhay sa Krus bilang
kabayaran ng aking kasalanan. Humuhingi po ako ng kapatawaran sa aking mga
kasalanan. Linisin Niyo po ako sa pamamagitan ng iyong banal na dugo mula
sa aking pagkakasala. Iligtas po Ninyo ako mula sa kaparusahan ng aking
kasalanan at sa Impiyerno na walang hanggan. Panginoong Cristo Jesus
nanalig po ako sa Inyo na Ikaw lamang ang aking tanging Panginoon at
Tagapagligtas ng aking buhay mula ngayon at magpakailanman. Ito po ang
aking samo at dalangin sa pangalan ng Panginoong Cristo Jesus,
Amen."
Kung taos-puso po ang inyong
pananalig kay Panginoong Cristo
Jesus at pagsisi ng inyong mga kasalanan,
niligtas na po kayo Niya mula sa walang hanggang kaparusahan ng kasalanan doon
saImpiyerno. "Sapagkat ang Diyos ay
labis na umibig ng sanlibutan, na kanyang ipinagkaloob ang kanyang bugtong na Anak, na kung
sinuman ang manampalataya sa kanya ay hindi mamamatay, ngunit magkakaroon ng buhay na
walang hanggan," Juan 3:16. Sa ngayon po,
poydi mo nang gawin ang tatlo pang huling puntos sa ilalim. Subalit, liliwanagin ko lang po
na hindi mo kailangang gawin ang naturang tatlo pang puntos kung hindi pa po kayo
nanampalataya at tumanggap kay Panginoong Cristo Jesus bilang personal at tanging
Tagapaglitas. Ang dahilan po ay ang pagbinyag, pagsapi sa isang simbahan, mga pagdasal, o
mamuhay upang madala ang iba kay Panginoong Cristo Jesus, ay hindi batayan upang maligtas
ang isang makasalanan (Markos 16:16; Gawa 4:10-12).
- Magpabawtismo
(magpabinyag) po kayo. Nagsabi si Cristo
Jesus, "Siya na nananalig at
nagpabawtismo ay maliligtas; subalit siya na hindi nananalig ay
mapapahamak," Markos 16:16.
- Sumapi po kayo sa
isang Simbahan na nagtuturo at nangangaral ng Salita ng Diyos sa mga miyembro at
panauhin. "Huwag pabayaan ang pagtitipon natin, katulad ng
ginagawa ng ilan, ngunit magsipangaral sa isa't isa: at higit pang palakasin, habang
nakikita ninyo ang araw ay papalapit," Hebreo 10:25.
- Mamuhay upang
madala ang iba kay Panginoong Cristo Jesus. "Pahintulutang
lumingning nang maigi ang inyong liwanag sa mga katauhan, upang makita ng iba ang inyong mga
gawa, at magbigay puri sa inyong Ama na nasa langit," Mateo 5:16.
Kung hindi mo matagpuan ang Simbahan na
tinutukoy po rito, puwede pong puntahan mo itong Webpage ko sa http://www.mbbc.com.au, o padalhan po ninyo ako ng email sa pastor@mbbc.com.au.
Ikinalulugod ko po ang inyong pagbibigay ng halaga at panahon sa
inyong kaluluwa. Kanina po, tinawag kita na kaibigan, ngayon po, kung taos-puso po kayong nanalig
sa Panginoong Cristo Jesus, maaari na po kitang tawagin na Kapatid sa pananampalataya sa Panginoong
Cristo Jesus.
Kung sakali mayroong kang tanong, tungkol sa kaligtasan at iba pa,
padalhan po ninyo ako ng email sa pastor@mbbc.com.au. Marami pong salamat. Maganda pong paglalakbay.
|
|
Last updated:
|
|
|